MANILA, Philippines — Nagparamdam. Nagpakilig. Nang-iwan. Sa isang panukalang batas na inihain sa House of Representatives, maaari nang tawaging "emotional offense" ang biglaang paglaho sa buhay ng isang tao kung tuluyang maisasabatas.
Sa ilalim ng bagong House Bill No. 611, ang "ghosting" o ang hindi inaasahang pagputol ng koneksyon ng isang tao( kadalasan sa konteksto ng relasyon) ay mauuwi sa deklarasyon ng isang “emotional abuse” — pero wala itong parusa.
Ghosters beware! ????
A bill has been filed in the House of Representatives declaring ghosting as an emotional offense. Author Rep. Arnulfo Teves says ghosting can be “mentally, physically and emotionally exhausting” to someone ghosted @PhilstarNews pic.twitter.com/j8bUtI3OWH— Xave Gregorio (@XaveGregorio) July 26, 2022
Inihain ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. ang nasabing panukalang batas sapagkat ang pang-gho-ghost daw ay maaaring maging “mentally, physically and emotionally exhausting” sa sinumang nabibiktima nito.
Isinalarawan din ang ghosting bilang isang "form of emotional abuse and happens once a person is engaged in a dating relationship with the opposite sex which affects the mental state of the victim."
Samantala, binigyan din ng depinisyon ng House Bill No.611 ang "dating relationship" bilang isang sitwasyon kung saan ang dalawang tao ay namumuhay bilang mag asawa nang walang kasal o namumuhay bilang mag nobyo at mag nobya.
"The ambiguity with ghosting is that there is no real closure between the parties concerned and as such, it can be likened to a form of emotional cruelty and should be punished as an emotional offense because of the trauma it causes to the ‘ghosted’ party," sabi ni Teves sa kanyang exploratory note.
Matatandaang si Teves din ang naghain ng panukalang batas na naglalayong palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport tungo sa Ferdinand E. Marcos International Airport. — Philstar.com intern Jomarc Corpuz at may mga ulat mula kay Xave Gregorio