MANILA, Philippines — Sinampahan na ng patung-patong na reklamo ang suspek sa kontrobersyal na pamamaril na si Chao Tiao Yumol matapos ang malagim na krimen sa Ateneo de Manila University bago ang isang graduation ceremony ng law students.
Linggo nang mangyari ang naturang pamamaril, bagay na ikinamatay ni ex-Lamitan City Mayor Rosita Furigay, executive assistant na si Victor George Capistrano at Ateneo guard na si Jeneven Bandiola. Sugatan ang anak ni Rosita na si Hanna.
Related Stories
Ayon kay Philippine National Police spokesperson Col. Jean Fajardo, haharap si Yumol sa mga sumusunod na kaso kaugnay ng krimen:
- murder (3 counts)
- frustrated murder kaugnay ng Sec. 29 ng Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act (paggamit ng loose firearm para gumawa ng krimen)
- paglabag sa Republic Act 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016)
- Malicious mischief na nagkakahalaga ng P80,000
"[The Quezon City Police District referred the complaints... before the QC Prosecutors Office. Suspect remains under the custody of QCPD," wika ni Fajardo, Martes.
"Ni-refer na po kaso during the inquest proceeding yesterday."
Una nang kinundena nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Commission on Higher Education atbp. leaders mula sa probinsya ng Basilan ang krimen, ito habang nangangako ang presidente ng mabilis na imbestigasyon upang maihatid ang katarungan.
Pinarangalan naman sa social media ng netizens ang gwardya na si Bandiala, na nabalitang pumigil kay Yumol.
Hinihirang siya ngayong bayani dahil namatay siya habang pinoprotektahan ang mga tao sa paligid. — may mga ulat mula kay Franco Luna
Related video: