MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na suriin ang mga argumentong ipinresenta ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) para sa aplikasyon nilang makapag-rally sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes — bagay na una nang hinarang.
Ibinasura kasi ng QC ang aplikasyon ng BAYAN para sa permit para makapagkasa ng kilos-protesta sa Batasan Road sa gaganapin na SONA ni Bongbong ika-25 ng Hulyo, bagay na ngayon ay binabatikos.
Related Stories
"I have been made aware that certain sectors have requested me to intervene regarding the denial of BAYAN's rally permit," pahayag ni Belmonte, Biyernes, na kasalukuyang wala ngayon sa Pilipinas.
"[I] have instructed the [QC Department of Public Order and Safety] to carefully review the counter-points that were presented, and to determine if there are any possible accomodations or middle ground that they can agree upon."
"The same will also be applied to all rally permits that are currently with the DPOS."
Pagtitiyak niya pa, lahat ng ito ay pag-uusapan sa huling SONA coordination meeting na mangyayari ngayong araw.
Wala si Belmonte sa bansa dahil sa napili raw siya para katawanin ang QC sa International Visitor Leadership Program's Summit for Democracy Initiative.
Taong 2021 nang pagpaliwanagin ni Belmonte ang Quezon City Police District nang harangin nila ang mga raliyista noong SONA noong nakaraang taon sa kabila ng naunang pag-uusap.
Bakit hindi aprub permit?
Sa isang liham ni DPOS head Elmo San Diego, sinabing hindi nila binigyan ng permiso ang naturang grupo na magkasa ng rally sa Batasan Road.
Aniya, alinsunod din ito sa rekomendasyon ng QCPD dahil hindi freedom park ang naturang lugar.
Sambit pa niya, magdudulot lang ng traffic ang pagkasa ng rally sa kahabaan ng Batasan Road at Commonwealth Ave. Ito'y kahit na sa kasaysayan ay taun-taon naman itong nangyayari.
Kaugnay nito, idineklara ng Philippine National Police (PNP) bilang "no-rally zone" ang Commonwealth sa SONA.
Giit ni BAYAN secretary general Renato Reyes Jr., ang pagbasura sa kanilang permit to rally ay nagpapakita lamang ng paglabag nila sa konstitusyonal na karapatan ng mga magpoprotesta.
“The rally permit was denied because Batasan Road is not a freedom park,” wika niya.
"Of course it is not a freedom park. That is precisely why a permit was applied for."
Sa kabila nito, ipagpapatuloy aniya ng grupo ang pagsasagawa ng mapayapang pagtitipon sa Lunes at magsasampa aniya sila ng reklamo laban sa mga pulis na sasaktan ang mga magpoprotesta.
“Peaceful protesters, even those without a permit, cannot be arrested. On many occasions, prosecutors and judges have dismissed the illegal assembly raps filed by the police,” pahayag niya.
Sa ilalim ng Batas Pambansa 880, pinagbabawalang magprotesta ang sinuman maliban na lang kung:
- mabibigyan ng permit
- idaraos ito sa mga freedom park
- idaraos ito sa pribadong lugar (basta pinayagan ng may-ari)
- idaraos sa isang paaralan ng gobyerno
Sa ilalim ng Section 6 ng BP 880, dapat aprubahan ng mayor o opisyal ang naturang permit maliban na lang kung may "clear and convincing evidence" na gagawa ang pagtitiopon ng "clear and present danger" sa publiko. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles
--
Disclosure: Si Quezon City Mayor Joy Belmonte ay shareholder ng Philstar Global Corp., na nagpapatakbo ng digital news outlet Pilipino Star Ngayon. Ang artikulong ito ay nilathala batay sa editorial guidelines.