Cebu archbishop posibleng maging ikatlong Santong Pilipino

MANILA, Philippines — May posibilidad na maging ikatlong santong Pilipino ang namayapang si Archbishop Teofilo Bastide Camomot ng Cebu nang ibigay sa kaniya kamakailan ng Vatican ang titulo na “Venerable”, ayon sa Arkidiyoseses ng Cebu.

Bukod dito, inatasan din ni Pope Francis si Marcello Cardinal Semeraro, ang Prefect ng Congregation of the Causes of Saints sa Vatican, na magpalabas ng decree ukol sa “heroic virtues” ni Camomot.

Ayon sa arkidiyoseses, ang mahirang na “Venerable” ay isang hakbang patungo sa titulo na “Blessed” bago tuluyang maging isang santo sa simbahang Katolika.

Nangangahulugan naman din ito na naisabuhay ni Camomot ang mga katangihang “teolohikal, kardinal at ang mga “virtues” na masasabing nasa “heroic degree” ng simbahan. 

Si Camomot ay ipinanganak sa Carcar, Cebu noong 1914 at pumanaw noong 1988 makaraang ibuhos ang kaniyang mahabang buhay sa pagsisilbi sa simbahan.

Nasawi siya sa isang aksidente sa sasakyan noong Setyembre 27, 1988 sa edad na 74.

Dalawang Pilipino na ang naideklarang santo ng Vatican. Ito ay sina San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod.

Show comments