MANILA, Philippines — Dahil sa kanyang katapangan at kauna-unahang Filipino na ginawaran ng Medal of Honor sa American navy, ipinangalan ng Estados Unidos sa Panay-born sailor na si Telesforo De La Cruz Trinidad ang isang warship.
Sa pahayag ni Secretary of the Navy Carlos Del Toro, ang bagong Arleigh Burke-class destroyer ay papangalanan ng will be named “USS Telesforo Trinidad (DDG 139).” Si Trinidad ay may ranggo na Fireman Second Class.
Ayon kay Del Toro, nalaman niya ang kuwento ni Trinidad na nooy midshipman Naval Academy kaya nang maging Kalihim, nagpasya siyang ipangalan ang warship kay Trinidad bilang paggalang sa pagtulong nito.
Ipinanganak si Trinidad sa Aklan, Panay noong Nobyembre 25, 1890. Taong 1915 nang sumabog ang isa sa mga boilers ng barkong USS San Diego na ikinasugat ni Trinidad at dalawa pang shipmates.
Bagama’t sugatan, pinili ni Trinidad na iligtas ang dalawang US shipmates. Bunsod ng kanyang katapangan, ginawaran si Trinidad ng Medal of Honor noong 1915.
“Having a ship named after such a significant figure highlights our diverse culture and that our people will always be our strategic advantage against any adversary,” ani Del Toro.