Walang Pinoy na nadamay sa New York grocery shooting

BUFFALO, NY - MAY 14: Buffalo Police on scene at a Tops Friendly Market on May 14, 2022 in Buffalo, New York. According to reports, at least 10 people were killed after a mass shooting at the store with the shooter in police custody.
John Normile / Getty Images / AFP John Normile / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Philippine consul General Elmer Cato sa New York na walang Filipino na nadamay sa shooting incident sa New York kahapon.

Sa twitter post ni Cato, sinabi niya na walang natanggap ang consulate ng ulat na mayroong Pinoy na nasaktan sa grocery shooting kung saan 10 katao ang nasawi at 3 pa ang nasugatan.

Sa ulat naman ni Buffalo Police Commissioner Joseph Gramaglia na ang shooting incident sa Tops supermarket ay nagresulta sa pagkamatay at pagkasugat ng 11 African-Americans.

Inilarawan naman ng mga otoridad ang nasabing insidente bilang “hate crime’ at “case of racially motivated violent extemism”.

Kinilala naman ang gunman na si Payton Gendron na mula sa Conklin sa New York.

Si Gendron ay na-arrained na sa kasong first degree murder at kasalukuyang nakakulong at walang inirekomendang piyansa.

Show comments