May 9, ideklarang ‘special non- working holiday’ — Comelec

Binabasa ng mga first-time voters ang step-by-step guide sa pagboto na ipinaskil ng Comelec sa tanggapan nito sa Arroceros, Manila may 10 araw na lang bago ang halalan sa Mayo 9.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Hiniling ng Commission on Elections (Comelec) kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklarang ‘special non-working holiday’ ang araw ng eleksyon ?sa Mayo 9.

Sa ipinasang Resolution No. 10784 nitong Abril 28 ng Comelec en banc, nakasaad na may pangangailangan na ga­wing holiday ang halalan para higit na magkaroon ng oportunidad ang mga rehistradong botante na makaboto.

“[Comelec] hereby RESOLVES, to request His Excellency President Rodrigo Roa Duterte to declare ?May 9, 2022, as a special non-working holiday all throughout the country in connection with the National and Local Elections,” nakasaad sa resolusyon.

Noong 2019 mid-term elections, idineklara ng Pangulo na ‘special non-working holiday’ ang araw ng halalan na pumatak ?sa Mayo 13.

Tinatayang 67.5 mil­yong botante ang inaasa­hang boboto ?sa Mayo 9. 

Sa naturang bilang, 65.7 milyon ang mga domestic voters o mga botante sa bansa at 1.8 milyong overseas voters.

Show comments