Sandoval ‘di matibag sa no. 1

MANILA, Philippines — Limang beses nang napag-iiwanan ni Malabon ­mayoralty bet Jeannie Sandoval ang kanyang katunggali sa pagka-alkalde ng lungsod na si Enzo Oreta sa survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. 

Sa huling resulta na ipinalabas ng RP-Mission and Development Foundation Inc. sa survey na isinagawa noong April 17-21, 2022, si Sandoval ay nakakuha ng 54 percent habang si Oreta ay 42 percent.

Nauna rito, apat na beses ding nanguna si S­andoval sa mga survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc.

Sa survey noong Oktubre 17-26, 2021 ay nakakuha si Sandoval ng 46% kumpara sa 37% ni Oreta. Sa sumunod na survey noong Nobyembre 16-24 ay tumaas pa ang puntos ni Sandoval, 50% habang 40% lamang si Oreta.

Noong Enero 22-23 ay umakyat pa sa 52% si Sandoval habang 47% si Oreta at sa survey noong March 15-22 ay 56% ang nakuha ni Sandoval habang bumaba pa ng apat na puntos si Oreta, 43%.

Labis naman ang pasasalamat ni Sandoval sa suporta at tiwalang ibinibigay sa kanya ng mga kababayan niya sa Malabon.

 

Show comments