MANILA, Philippines — Binatikos ng Commission on Human Rights (CHR) si Cabuyao, Councilor Tutti Caringal at Calamba Mayor Timmy Chipeco matapos kandungan at gilingan nang malaswa ang kanilang supporters sa isang campaign rally sa probinsya ng Laguna, bagay na naging kontrobersyal noong isang linggo.
Si Caringal — na vocalist ng Filipino rock band na 6Cyclemind — ay makikita sa isang viral video habang kinakantahan ang mga dumalo sa kanilang kampanya. Tinanggal pa niya ang face mask ng babaeng attendee habang pinapatungan ang nabanggit, na animo'y manghahalik.
Related Stories
"We condemn this incident as it is not only exploitative of women and demeans their inherent dignity, but it also debases the incumbent office, which the political aspirants hold," ayon kay CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia, Martes.
"Further, it breaks [COVID-19] health protocols as set by the Commission on Elections and Department of Health, especially that the pandemic is not yet over."
Ika-1 lang ng Abril nang banatan ng Gabriela Women's Party sina Caringal at Chipeco sa "pagsakay" nila sa female supporter sa event, bagay na pangit daw ang pahiwatig dahil ninonormalisa raw nito ang pagkandong sa kababaihan na gustong umupo sa poder.
Ayon kay Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas, napaka-distasteful nito lalo na't nakaka-ambag din daw ito sa pagiging karaniwan ng sexual harassment. Pagpapasailalim din daw ito ng mga kababaihan sa mga lalaking nasa poder sa ngalan ng entertainment.
Taong 2016 lang din nang i-call out ng Gabriela party-list ang paggamit ng mga kandidato sa eleksyon ng mga babaeng naka-suot nang sexy habang sumasayaw sa ilang kampanya sa Laguna.
??Hindi dapat gawing normal ang pagpapakandong sa kababaihan ng mga gustong umupo sa poder." ?? Gabriela Partylist Rep. @ArleneBrosas
Gabriela Partylist calls out Laguna bets for distasteful campaign rally video ???? pic.twitter.com/fpFOcWSEIA— #67GabrielaPartylist (@GabrielaWomenPL) April 1, 2022
Paalala pa ni De Guia, hindi laruang sekswal ang mga babae sa panahon ng eleksyon para makakuha ng boto mula sa madla bilang gimik.
"As the Gender Ombud, CHR takes this occasion to reiterate to the political aspirants involved and their party-mates that women are not sexual playthings to be objectified for the purposes of entertainment for the sake of garnering votes," dagdag pa ni De Guia.
"Those in government, including those aspiring to be leaders, need to always bear in mind the primacy of respecting human rights."
Si Caringal, tila hindi iniinda ang batikos na nakuha at tuloy pa rin sa pangangampanya sa ngayon sa Laguna.
Aniya, ngingitian na lang daw niya ang mga haters.
"Kahit pa siraan ka, sagutin mo ng isang matamis na…ngiti.???? Good morning everyone. Pasaya uli tayo today. Rakenrol," sabi niya matapos mag-viral ang kanyang video.