MANILA, Philippines — Maganda ang naging pagtatasa ng Department of Health (DOH) sa unang linggo ng pinakamaluwag na Alert Level 1 sa Metro Manila at 38 pang lugar sa Pilipinas, bagay na hindi raw nagdulot ng pagtaas ng COVID-19 cases.
Ito'y kahit na 100% na ang pinapayagang capacity sa mga trabaho, establisyamento, pampublikong sasakyan, atbp. ngayong ipinatutupad na ito sa iba't ibang parte ng bansa. Pinapayagan na rin halos lahat ng aktibidad basta't nagsusuot ng face masks at nagpapabakuna.
Related Stories
"At present, we have not seen any increase in COVID-19 cases since we have implemented Alert Level 1 in several areas in the country," wika ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Martes ng gabi, sa media.
"Since the implementation of Alert Level 1, an increase in the mobility of people has been expected given that employers have implemented 100% workforce capacity, and
establishments can now operate in their full capacities as well."
Ngayong nagshi-shift na sa "new normal" ang National Capital Region, naglalabasan na tuloy ang marami dahilan para magsiksikan na pati ang mga kalsada. Ayon sa commuter's group na AltMobility, sing lala na ito noong panahong wala pang COVID-19.
Tinanggal na rin ng Philippine National Police ang mga quarantine checkpoints sa Alert Level 1 areas. Sa kasalukuyan, wala pa naman daw "untoward incidents" sa mga lugar na ito kahit na tumaas na nang husto ang gumagala at nasa kalsada.
"The government strictly monitors the mobility of the public with incessant reminders on adherence to minimum public health standards as well as the national vaccination drive for those eligible to get inoculated," dagdag pa ni Vergeire.
Sa kabila ng lahat ng ito, kahapon lang nang sabihin ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi pa napapanahong ilagay sa Alert Level 1 ang buong Pilipinas dahil baka masayang daw agad masayang ang lahat ng napagtagumpayan laban sa pandemya. — James Relativo