Pope Francis tumawag kay Ukrainian Pres. Zelenskiy

Inihayag ito ng Ukrainian Embassy sa Vatican. Hindi na nagbigay sila ng dagdag na impormasyon sa pag-uusap ng Santo Papa at ni Ukrainian President Volodymyr Ze­lenskiy.
STAR / File

MANILA, Philippines — Tinawagan ni Pope Francis si Ukrainian President Volodymyr Ze­lenskiy nitong Sabado at nakidalamhati sa nararanasang paghihirap ng bansa dulot ng digmaan sa pagitan ng Russia.

Inihayag ito ng Ukrainian Embassy sa Vatican. Hindi na nagbigay sila ng dagdag na impormasyon sa pag-uusap ng Santo Papa at ni Zelenskiy.

“The Holy Father expressed his most profound pain for the tragic events happening in our country,” ayon sa tweet ng embahada.

Nakihati naman ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa nararamdamang pighati ni Pope Francis. Nanawagan si CBCP President Bishop Pablo David sa mga Katoliko na mag-alay ng panalangin para sa mga mamamayan ng Ukraine kasunod ng pagtuligsa sa pag-atake ng Russia.

“Walang natutuwa sa giyera kundi ang mga kumikita sa industriya ng armas at nakikinabang sa mga hidwaan sa pagitan ng mga bansa,” dagdag niya.

Show comments