MANILA, Philippines — Mapapawi na ang takot at magiging ligtas na ang biyahe ng mga commuters sa adhikain ng PASADA o Pilipino Society and Development Advocates sakaling makaupo sa Kongreso sa Mayo 9.
Sa ginanap na launching ng PASADA, sinabi ni Dom Hernandez, Secretary General ng grupo, tatlong aspeto lamang kanilang isusulong at kinabibilangan ito ng pagsasalegal ng mga kolorum dahil malaki ang kakulangan sa mga pampublikong sasakyan at sa rami ng mga mananakay; pagpapatupad ng intermodal terminal upang matiyak na masasakyan pa ang mga commuter sa pag-uwi at pagbibigay ng kahalagahan sa mga transport workers pamamagitan ng pagpapaigting ng slogan na ‘Sama-Sama sa Pasada’ na adhikain ng grupo.
Ayon kay Hernandez, nangangalap din sila ng 150,000 signature mula sa mga commuters at iba pang sektor upang matulungang maresolba ang mga kinahaharap na problema ng mga commuters araw- araw.