Bakuna sa edad 0-4 sisimulan sa Hunyo

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., inaasahang nasa 90 milyong Filipino ang magkakaroon ng bakuna bago matapos ang Hunyo kabilang na ang pinakabatang age group.
Philstar.com / Irish Lising, file

MANILA, Philippines — Target ng gobyerno na simulan ang pagbabakuna sa mga batang edad 0-4 bago matapos ang Hunyo.

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., inaasahang nasa 90 milyong Filipino ang magkakaroon ng bakuna bago matapos ang Hunyo kabilang na ang pinakabatang age group.

“Ito po ang ating mga objectives: Unang-una to vaccinate 90 million Filipinos before the end of June 2022. Number two, provide 72.16 million boosters for adult population ages from 18 years old and above. Number three, vaccinate 12.74 million or 12-17 years old with boosters,” report ni Galvez kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Talk to the People kamalawa.

“Number four, bakunahan din po natin ang 15.56 million na 5-11 years old with boosters. And also, we will vaccinate 11.11 milyon na 0-4 years old with primary series,” dagdag ni Galvez.

Gumagawa na anya ng contingecies ang gobyerno para makakuha ng bakuna laban sa COVID-19 para sa 0-4 years old dahil limitado ang bakuna na may formulation para sa mga bata.

Tiniyak din ni Galvez na pangunahing trabaho nila sa ngayon ang mabakunahan ang natitirang 3 milyong senior citizens at maturukan ang nasa 25 milyong eligible na para sa booster shots sa lalong madaling panahon bukod pa sa mabakunahan ang mga menor- de-edad.

Magkakaroon ng recruitment at hiring ng mga vaccinators bagaman at mangangailangan ito ng mas maraming pondo.

Nakikipag-ugnayan na ang tanggapan ni Galvez para sa ibang brand ng bakuna na magkaroon ng emergency use authorization (EUA) para sa mga edad 3-11.

Show comments