7.6 magnitude lindol sa Indonesia, walang tsunami threat sa Pinas – Phivolcs

Ayon sa Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs), wala silang nakikitang senyales ng tsunami sa Pilipinas ang tumama na lindol sa Indonesia.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Walang banta ng tsunami sa Pilipinas ang naganap na 7.6 magnitude na lindol sa Indonesia, kahapon ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs), wala silang nakikitang senyales ng tsunami sa Pilipinas ang tumama na lindol sa Indonesia.

Sabi ng Phivolcs, ang tsunami waves ay mapa­nganib sa mga baybayin na saklaw ng 1,000 kilometro ng earthquake epicenter ng lindol sa Indonesia na hindi naman sakop ang ating bansa.

Show comments