MANILA, Philippines — Hindi nakapagtimpi si Pangulong Rodrigo Duterte sa insidenteng kinasasangkutan ng mga kawani ng gobyerno ng Tsina laban sa mga pwersa ng Pilipinas Martes noong isang linggo, bagay na nangyari sa West Philippine Sea.
Ito ang naging reaksyon ng pangulo at 2022 senatorial aspirant, Lunes, tungkol sa pambobomba ng tubig ng tatlong Chinese Coast Guard sa dalawang supply boats ng Pilipinas na magdadala lang sana ng pagkain sa mga sundalong nakahimpil sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Maynila.
Related Stories
"We abhor the recent event in the Ayungin Shoal and view with grave concern other similar developments. This does not speak well of the relations between our nations and our partnership," ani Digong sa ASEAN-China Special Summit ngayong araw.
"UNCLOS and the 2016 Arbitral Award provide legal clarity... pointing us to a just and fair solution to our disputes. We must fully utilize these legal tools
to ensure that the South China Sea remains a sea of peace, stability and prosperity."
Ang Ayungin Shoal (Second Thomas Shoal) ay isang feature na matatagpuan 105 nautical miles kanluran ng Palawan — pasok sa 200 nautical miles para maging bahagi ito ng EEZ ng Pilipinas. Bahagi ito ng Kalayaan Island Group ng Pilipinas.
Sakop ito ng arbitration case ng Pilipinas na napagtagumpayan laban sa claims ng Tsina. Una nang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na iligal ang ginawa ng Chinese Coast Guard lalo na't walang law enforcement rights ang Beijing sa mga naturang lugar, bagay na sa Pilipinas in-award bilang bahagi ng kanilang sovereign rights sa EEZ.
Matatandaang nagpatupad ang Tsina ng batas na nagpapahintulot sa kanilang coast guard na magpaputok sa mga nakikita nilang "nanghihimasok" sa mga iniisip nilang territorial waters sa South China Sea. Bahagi nito ang kanilang inaangkin din na West Philippine Sea.
"There is simply no other way out of this colossal problem but the rule of law," patuloy ni Digong kanina, habang idinidiin ang commitment ng Tsina sa epektibo Code of Conduct sa South China Sea.
Kanina lang nang manindigan ang European Union laban sa unilateral actions ng Tsina, habang idinidiing Maynila ang may karapatan sa lugar at hindi sila.
"The European Union reiterates its strong opposition to any unilateral actions that endanger peace, security and stability in the region and the international rules-based order," ani EU spokesperson Nabila Massrali.
"In this context, the European Union recalls the Arbitration Award rendered under UNCLOS on 12 July 2016, which found that Second Thomas Shoal lies within the Philippines’ exclusive economic zone and continental shelf."
'Ayungin attack dahil sa katrayduran ni Duterte'
Nanindigan naman si Ka Leody de Guzman, presidential candidate ng Partido Lakas ng Masa, na puno't dulo ng insidente ang aniya'y malambot na paninidigan niya sa West Philippine Sea.
"Ang panghihimasok ng Tsina sa ating EEZ ang natural na kahihinatnan ng pagiging sunud-sunuran ni Duterte sa Tsina at ng kanyang kataksilan sa bayan. Mas kampante ngayon ang Tsina na balewalain ang UNCLOS at hindi respetuhin ang teritoryo at soberenya ng Pilipinas," wika ni De Guzman.
"Kahit kailangan nating maging mapagbantay sa mga banta ng Tsina sa ating teritoryo, hindi solusyon ang umasa sa military intervention ng US. Maiipit tayo sa gera ng dalawang makapangyarihang bansa na parehong may sariling adyenda sa ekonomya at teritoryo ng ating bansa."
Giit pa ni Ka Leody, kailangan ang tuluyang demilitarization sa West Philippine Sea mula sa Tsina at Estados Unidos. Aniya, ang armadong presensya ng dalawang superpower sa rehiyon ang pinakamalaking banta sa soberanya at teritoryo hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong timog-silangang Asya.
Bayan Muna: Aksyunan, 'wag lang pahayag
Ayon naman kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, kasalanan talaga ni Duterte kung bakit mas agresibo ang Tsina ngayon dahil sa "soft landing" at "pivot to China" foreign policies ng administrasyon.
"President Duterte's statement now should be coupled with a clear policy statement stopping his skewed appeasement policy that only resulted to China's aggressive, even unchecked expansionism," sagot naman ni Zarate.
"Otherwise, it can be interpreted as just a political stunt since elections are fast approaching and he again wants to court the Filipino peoples' votes for him and his candidates. Baka matulad na naman sa jetski joke nya noong 2016."
Dagdag ng Bayan Muna, pwedeng gawin ni Duterte ang sumusunod maliban sa pagtulak ng Hague Permanent Court of Arbitration kung seryoso ito laban sa mga aksyon ng Beijing:
- joint patrols kasama ang iba pang claimants
- deployment ng karagdagang tropa sa Kalayaan Group of Islands
- mas maraming coast guard ships sa contested areas
- rehabilitasyon ng airstrip sa Pag-asa Island sa lalong madaling panahon
Pauwiin ambassador?
Nananawagan naman ngayon ang Nagkaisa, ang pinakamalaking koalisyon ng mga manggagawa sa Pilipinas, kay Digiong na i-recall na ang Philippine Ambassador to China bilang diplomatic protest pagdating sa patuloy na "kayabangan" at hostility ng Asian giant.
"These high-handed, unfriendly and unlawful acts must now be stopped. The Philippines must respond with bolder diplomatic actions. Other than note verbale, let us recall back to Manila our ambassador to China," ayon sa N1.
"Likewise, we can bring to the next UN General Assembly the compliance of the 2016 Arbitral Award debunking the 9-dash line claim of China."