178 government officials at private individuals tatanggalan ng security detail ng PNP

Ayon kay PSPG Spokesperson Police Major Jackson Cases, kailangang mag-apply muli ang mga ito sa Commission on Election (Comelec) para mabigyan ng police escort.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Umaabot sa 71 government officials at 107 private individuals ang tatanggalan ng security detail ng Police Security and Protection Group (PSPG) sa pagsisimula ng election period sa January 9, 2022.

Ayon kay PSPG Spokesperson Police Major Jackson Cases, kailangang mag-apply muli ang mga ito sa Commission on Election (Comelec) para mabigyan ng police escort.

Aniya, batay sa Comelec resolution lahat ng protective security, pulitiko man o private individual ay kailangan irecall kahit pa anya hindi tatakbo sa halalan.

Kinaikailangan nilang mag-apply ng Certificate of Authority sa Comelec.

Hinihintay na lamang ng PNP ang Comelec Resolution na posibleng ilabas sa susunod na buwan o sa Enero ng  2022.

Inatasan naman ni  PNP chief Gen. Dionardo Carlos ang PSPG at  lahat ng  chief of police na tukuyin ang mga  pulis na  may kamag-anak na pulitiko at paalalahanan na  panatilihing non-partisan.

Show comments