Mark Villar nanguna sa senatorial survey

MANILA, Philippines — Si dating Build Build Build Czar Mark Villar ang nangungunang senatorial aspirant sa pinakabagong RP-Mission and Deve­lopment Foundation Inc. (RPMD) sa mga gustong kandidato sa pagkasenador ng mga Pilipino sa 2022 national elections.

Ayon sa RPMD, sina Mark Villar at Raffy Tulfo ay nagbahagi ng una hanggang ikalawang puwesto na parehong nagtamasa ng majority voters’ preference na may 53.5% at 53.1% rating, ayon sa pagkakasunod.

Sinabi ni Dr. Paul Martinez ng RPMD na “sa 30 kandidato, 16 ang may istatistikal na tsansa na manalo, 12 sa kanila ay dating o kasalukuyang miyembro ng Kongreso”.

Kasunod nina Villar at Tulfo ay sina Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero (48.9%), Taguig Rep. Alan Peter Cayetano (48.5%), Antique Rep. Loren Legarda (48.2%), dating Vice President Jejomar “Jojo” Binay (37.4 % ).

Sa ika-7-12 na puwesto, sina dating Sen Jinggoy Estrada (35.1%), Sen. Sherwin Gatchalian (34.6%), Sen Juan Miguel “Migz” Zubiri (33.5%), Sen Risa Hontiveros (30.2%), dating Quezon City Mayor Herbert Bautista (29.1%), Sen Joel Villanueva (28.7%).

Show comments