MANILA, Philippines — Isa nang severe tropical storm si bagyong Maring habang ito ay kumikilos pakanluran papuntang Babuyan islands.
Alas-11 ng umaga kahapon, si Maring ay namataan ng PagAsa sa layong 240 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na 95 km per hour at bugso na 115 kph.
Dulot nito, nakataas ang signal number 2 ng bagyo sa Luzon sa Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, northern portion ng Isabela, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Abra, Ilocos Norte, at Ilocos Sur
Signal number 1 sa nalalabing bahagi ng Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Ifugao, Benguet, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, northern portion ng Bataan, northern portion ng Quezon kabilang ang Polillo Islands, at Calaguas Islands.
Inaasahan na lalabas ng bansa si Maring ngayong Martes.