Mga paglabag ng CPP-NPA iimbestigahan ng CHR

MANILA, Philippines — Iimbestigahan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang 1,506 bilang ng paglabag sa International Humanitarian Law (IHL) ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), na ngayon ay kilala na bilang communist terrorist group (CTG) mula noong 2010 hanggang 2020.

Ito’y matapos maipasa ni BGen. Jose Alejandro S. Nacnac, Director ng Armed Forces of the Philippines Center for the Law on Armed Conflict (AFPCLOAC) kay CHR Commissioner Karen Dumpit noong Huwebes ang listahan ng mga kaso ng pagpatay at iba pang mga pagpapahirap ng CTG sa loob ng 10.

Sa kabila nito, tikom naman ang bibig ng mga miyembro ng Makabayan Bloc sa Kongreso at militanteng samahan na Karapatan sa isyu ng mga paglabag na ito ng NPA.

Ayon naman kay NTF-ELCAC Undersecretary Severo Catura, ang CTG ay dapat na pagbayarin ng danyos bilang paglabag sa karapatang pantao na umaabot na sa bilyong dolyares ang katumbas na halaga.

Paliwanag ni Catura, Executive Director din ng Presidential Human Rights Committee Secretariat (PHRCS), sa ilalim ng mga umiiral na lokal at internasyunal na mga batas partikular na ang IHL, ang mga sangkot na grupo na napatunayang nakagawa ng mga pang-aabuso at mga pagpapahirap sa mga sitwasyon ng sigalot at pang-loob na kaguluhan sa bansa, ay maaaring patawan ng hukuman ng danyos para sa kanilang mga nabiktima.

Show comments