MANILA, Philippines — Isang matinding kalaban ang nakaharap ng Philippine sports sa taong 2020.
Matapos ang unang kaso ng coronavirus di-sease (COVID-19) sa Pilipinas noong Enero 30 ng 2020 ay ipinatupad ng Malacañang ang partial lockdown sa Metro Manila noong Marso 15.
Dahil rito ay natigil ang pagdaraos ng mga collegiate, amateur at professional sports tournaments at activities sa buong bansa.
Binuksan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kanilang Philippine Cup noong Marso 8, ngunit matapos ang tatlong araw ay inihayag ng liga ang pagpapatigil sa season-opening tournament pati na ang PBA D-League Aspirants’ Cup at ang paglulunsad ng PBA 3x3 league dahil sa mga quarantine restrictions.
Kasunod naman nito ang pagkakatigil din ng mga laro sa National Basketball Association (NBA) makaraang magpositibo si Utah Jazz center Rudy Gobert sa COVID-19.
Noong Oktubre 11 ay muling binuksan ang Philippine Cup sa loob ng ‘bubble’ sa Clark, Pampanga kung saan tinalo ng Barangay Ginebra ang TNT Tropang Giga, 4-1, sa kanilang best-of-seven cham-pionship series.
Bukod sa PBA ay pinayagan din ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbabalik-aksyon ng Philippines Football League (PFL) at Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 sa loob ng ‘bubble’.
Huli namang lumaban si Manny Pacquiao noong Hulyo ng 2019 kung saan niya tinalo si American Keith Thurman via split decision at hanggang ngayon ay hindi pa nakakatapak ng boxing ring.
Nahinto rin ang mga aksyon sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at National Collegiate Athletic Association (NCAA) dahil sa pandemya.
Noong Abril 2 ay inihayag ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez ang pagkakansela sa kanilang mga sporting events katulad ng Pa-larong Pambansa, Phi-lippine National Games at Batang Pinoy at ang pagdaraos ng ASEAN Para Games.
Ginawa namang quarantine facilities ang Rizal Memorial Sports Complex sa Manila City, PhilSports Complex sa Pasig City at New Clark City Sports Complex sa Capas.
Pinayagan ng IATF ang mga national teams na gumamit ng ‘bubble’ training concept para paghandaan ang SEA Games, idaraos sa Vietnam sa Nobyembre, na pinagharian ng Team Philippines noong Disyembre ng 2019.
Ilang national athletes din ang na-stranded sa mga bansang pinuntahan nila para sa sa kanilang training kagaya nina 2016 Rio de Janeiro Olympic Games silver medalist ng weightlifting sa Kuala Lumpur, Malaysia, Olympic-bound pole vaulter Ernest John Obiena sa Italy at gymnast Carlos Edrel Yulo sa Japan.
Noong Disyembre 10 ay inihayag ni da-ting four-division titlist Nonito ‘The Flash’ Donaire, Jr. na nagpositibo siya sa COVID-19 na nagresulta sa pag-atras niya sa title fight sana nila ni Puerto Rican Emmanuel Rodriguez para sa World Boxing Council (WBC) bantamweight belt sa Connecticut, USA.
Sa gitna ng pan-demya ay nagbigay pa rin ng panalo para sa Pilipinas sina Obiena, Diaz, skater Margielyn Didal, Pinay tennis sensation Alex Eala, Olympic-bound boxer Eumir Felix Marcial at pro boxer Reymart Gaballo.