MANILA, Philippines — Upang maiwasan ang pagkakahawa-hawa, pinagbabawal muna ni PNP Chief, Gen. Debold Sinas sa mga magsing-irog, mag-asawa, magkapatid at magkaibigan ang PDA o public display of affection at ang paghaha-wak-kamay at akbayan sa publiko.
Sinabi ni Sinas na matagal na talagang pinagbabawal ang hawak-hawak kamay o PDA subalit hindi aniya mapigilan ng mga tao lalo na kung magkasama sa bahay kaya muli itong nagpaalala na sisitahin ang lalabag.
Dahil sa biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay papaigtingin muli ng pamahalaan ang pagbabantay sa publiko.
Sa katunayan, may mga lugar sa Metro Manila na isinailalalim sa special concern at granular lockdowns.
Sa datos, naitala ang apat na araw na sunod na nasa 3,000 level ang mga panibagong kaso ng COVID-19 sa kabila ng pag-uumpisa ng massive immunization program ng pamahala-an noong Marso 1.
Sa PNP, as of March 9, 6PM ay naitala ang bagong 88 kaso ng coronavirus, 11,165 pa na police personnel ang ginagamot habang 32 na ang nasawi.