Plastic straws, coffee stirrer bawal na — DENR

Ito’y makaraang aprubahan ng National Solid Waste Management Commission ng DENR ang pag-ban sa paggamit ng naturang mga plastic.
STAR/File

MANILA, Philippines — Ipinagbabawal na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang paggamit ng plastic straw ng softdrinks at plastic stirrer o panghalo sa kape.

Ito’y makaraang aprubahan ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC) ng DENR ang pag-ban sa paggamit ng naturang mga plastic.

Sa botong 11 pabor at 3 kumontra ay ipinasa ang resolusyon sa isinagawang virtual en banc meeting na pinangunahan ng DENR.

Itinuturing ito na isang milestone ni DENR Undersecretary Benny Antiporda dahil matapos ang mahigit dalawang dekada na pagkakapasa ng Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay ngayon lamang nakapaglabas ang komisyon ng listahan ng non-environmentally acceptable products.

Ani Antiporda, maraming dapat na habulin ang ahensya para makatugon sa solid waste management ng bansa.

Nataon ang desisyon na tuluyang pagbabawal sa paggamit ng straw kasabay ng pagdiriwang ng International Straw Free Day kahapon, February 3.

Show comments