MANILA, Philippines — Matapos na tangayin at malunod sa ilog, bangkay na nang matagpuan ang dalawang bata sa Brgy. Ilayang Bukal, Tayabas City, Quezon kamakalawa. Nakilala ang dalawang bata na sina Irish Deraman, 13, at Derick Cervantes, 9. Sa report ng Tayabas City Police Station, tumawid ang limang magkakaibigan sa ilog dakong alas-4:30 ng hapon noong Miyerkules upang ihatid sa bentahan ang mga napitas nilang kalamansi nang bigla umanong lumaki ang tubig dahil sa posibleng nagmula sa bundok. Mabilis na tinangay ng malakas na alon ang mga bata subalit nakakapit sa isang puno ang tatlo habang sina Deraman at Cervantes ay inanod nang tuluyan/