MANILA, Philippines — Pansamantalang makalalabas ng preso si Reina Mae Nasino, isang nakakulong na aktibista, para bisitashin ang burol ng kanyang tatlong-buwang gulang na anak.
Kinumpirma ang balita ng National Union of People's Lawyers (NUPL) at mga abogado ni Nasino ang pagbibigay ng Manila Regional Trial Court Branch 47, Lunes, sa tatlong-araw na furlough para sa burol at libing ni "Baby River."
Ani Kathy Panguban, abogado ni Nasino, bago mapalaya nang panandalian ang aktibisya ay dapat munang makapagbigay ng ilang rekisitos gaya ng death certificate ng bata, maliban sa pagkuha ng mga escort mula sa Manila City jail.
Sinasabing Miyerkules ilalabas ng sheriff ng korte ang court order sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
BREAKING: Manila RTC Judge Paulino Gallegos grants three-day furlough for political prisoner Reina Mae Nasino to be at the wake and funeral of her baby, River, subject to certain conditions. Waiting for the written order here at the RTC, with Nanay Maritess, Reina’s mother. pic.twitter.com/vlkjIAZ0uO
— Tinay Palabay (@TinayPalabay) October 13, 2020
Ika-1 ng Hulyo nang ipanganak ni Nasino, 23-anyos, ang kanyang baby na si River. Nagdadalang-tao na siya habang naka-preventive imprisonment sa Manila City Jail. Sinasabing underweight ang bata.
Matatandaang pinaghiwalay ng Manila RTC Branch 20 ang dalawa noong isang-buwang gulang pa lang si Siver.
Ika-24 ng Setyembre nang dalhin ang baby sa ospital para sa pagdudumi at lagnat. Namatay si River nitong Biyernes, 8:50 p.m., nang hindi man lang nakakapiling uli ang ina. Hindi inaksyunan ang naunang furlough na in-apply ni Nasino noong hapon na 'yon.
Una nang nanawagan si Bise Presidente Leni Robredo na payagan ang pagsasama ng dalawa lalo na't importante aniya ang pamilya para sa mga Pilipino, lalo na ang relasyon ng ina at anak.
"I hope we respect and uphold this relationship. We urge the court to choose compassion and empathy," sabi niya ngayong umaga.
"This is the least we could do for a mother who lost her daughter too soon and under these painful circumstances."
Nagpaabot ng pakikiramay si Vice Pres. Leni Robredo kay Reina Mae Nasino, ang ina ni baby River. Suportado niya ang panawagan na pansamantalang makalaya si Nasino para madalaw ang yumaong anak. pic.twitter.com/Xecpv8aOb7
— News5 (@News5PH) October 13, 2020
Pinasalamatan naman ng tagapagsalita ng Kapatid, isang support group para sa mga political prisoner, ang aksyon ng korte at nanawagan para sa tuluyang pagbabasura ng kanyang kaso — na may kaugnayan sa "illegal possession of firearms and explosives."
Basahin: Opisina ng Bayan ni-raid: 3 aktibista, dinakip
May kinalaman: Bayan office raid in Manila proof of 'creeping martial law' — Zarate
"The courts failed her several times—to dismiss the fabricated and baseless case filed against her, to seek the Supreme Court’s intervention for the release of prisoners most at risk from the COVID-19 contagion, to stay with her child so she could take care of her," ani Kapatid spokesperson Fides Lim.
Isa si Nasino sa 22 bilanggol pulitikal na humiling mabigyan ng temporary liberty nitong Abril dahil sa panganib ng coronavirus disease (COVID-19) sa kulungan. Ipinanganak si baby River at hiniwalay kay Nasino habang hinihintay ang desisyon dito ng korte.
Sa ruling ng korte, tinitignan ang kanilang petisyon bilang aplikasyon ng piyansa at "recognizance" at inutusan ang korteng dinggin ang kaso ng mga petitioners para agad na maresolba ang mga isyu. — James Relativo at may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag at News5