MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagtumba ng mga negosyo sa maraming industriya dahil sa pandemya, humahataw naman ang Prime Global Corporation (PGC) sa business expansion plan nito.
Ang PGC ang gumagawa ng iba't ibang food product gamit ang bandera ng “Barrio Fiesta” brand.
“May growth opportunities sa packaged food category kung saan kasali kami – ang Barrio Fiesta. Marami pa rin kasi ang nasa bahay lang at ang mas gusto nila, s’yempre, ay mga pagkaing lutong bahay,” ani Reychelle Ann Gigante, marketing head ng PGC.
“Saka dumarami ang mga Filipino na gustong maging ‘home chef’. Sa pagpapatuloy ng new normal, siguradong mas gagalingan pa nila ang paghahanda at pagluluto ng Pinoy lutong-bahay recipes at gusto namin na kasama kami sa kanilang food trip!,” dagdag niya.
Dahil sa mga pagbabagong dulot ng pandemic sa food business landscape, mas pinalawak ng PGC ang kanilang online presence kasabay ng pagpaparami pa ng kanilang food product portfolio mula bagoong, sawsawan, palaman, dry mix, at sitsirya.
Noong 2019, nakopo ng PGC (sa pamamagitan ng Barrio Fiesta Bagoong nito) ang 65% ng local market share sa sautéed shrimp paste category at 95% naman sa international market.