MANILA, Philippines — Habang humaharap sa mga alegasyon ng katiwalian ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), nataong liliban mula sa trabaho sa susunod na linggo ang kanilang presidente at chief executive officer (CEO) dahil diumano sa dahilang may kinalaman sa kalusugan.
Ika-8 ng Agosto nang sabihin ni PhilHealth President at CEO Ricardo Morales na meron siyang lymphoma — isang uri ng cancer.
Certain PhilHealth officials informed the Senate of their health concerns and might not attend the public hearing on Tuesday. | @CESuerteFelipe pic.twitter.com/30UJmd12cL
— The Philippine Star (@PhilippineStar) August 8, 2020
"Matigas ang ulo ko pero sinusunod ko na ang payo ng doktor at sinabi niya kung gusto kong gumaling I will have to take leave. So next week magli-leave ako," ani Morales, sa panayam ng Teleradyo, Miyerkules.
Lunes ng gabi nang sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat maimbestigahan ang mga aniya'y mga iregularidad sa PhilHealth. Gaya na rin ng pasabog na ibinulsa ng kanilang mga opisyal ang P15 bilyong pondo, maliban sa overpricing ng kagamitang information technology (IT).
Basahin: Duterte says he will go after erring PhilHealth officials
May kaugnayan: P15-B katiwalian sa PhilHealth dahil sa 'incompetent' military appointees — grupo
Tugon ni Morales, gusto niyang makausap ngayon si Digong hinggil sa isyu.
"Hindi pa pero naghahanap ako ng pagkakataon para kami ay magka-heart-to-heart," dagdag ni Morales.
Hinihiling ngayon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang agarang pagsisibak sa lahat ng opisyal ng PhilHealth na sangkot daw sa korapsyon.
Kasama sa insiyal na listahan ng iimbestigahan nina PACC Commissioner Greco Belgica ang 36 opisyal — pero 13 hanggang 15 sa kanila ang nalalapit nang makasuhan sa Office of the Ombudsman.
Basahin: PACC wants Morales, others out
Ilan sa mga unang kwinestyon ni Alejanbdro Cabading, isang certified public accountant na dating parte ng Philhealth bboard of directors, ay ang budget proposal para sa dalawang set ng laptop na nagkakahalaga ng P4.11 milyon at P115.32 milyon.
Ilan lamang 'yan sa mga inaprubahan daw ni Morales habang namumuno sa PhilHealth, na may P2.1 bilyong IT budget para sa taong 2020. Gayunpaman, iniatras ito matapos masilip ang iba't ibang item na overpriced o redundant.
Sa kabila niyan, sinabi ni PhilHealth Senior Vice President at Chief Information Officer Jovita Aragona na ang P115 milyong budget na tinutukoy ay para sa 1,341 regular desktop computers na nagkakahalaga ng P86,000 kada isa.
Ayon naman kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang hiwalay na virtual briefing ngayong umaga, suportado ni Department of Health at PhilHealth chairperson Francisco Duque III na maimbestigahan ang mga naturang alegasyon. — James Relativo