3 preso na pumuga, utas sa barilan

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Bulagta ang tatlong presong pumuga nitong Martes sa Masbate Provincial Jail habang­ isa ang nakatakas matapos na makipagbarilan sa mga humahabol na jailguards makaraang masukol sila sa bulubunduking lugar ng Brgy. Bonbon, Milagros, Masbate noong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Bryan Gracio Basulgan, 22, binata, ng Brgy. Cabas-an, Aroroy, may kasong droga at illegal possesion of firearm; Jose Jeven Fuentes­, 30-anyos, binata, ng Brgy. Calasuche, may kasong 6-counts of rape at Richard Albante Espayos, 37, may-asawa, ng Brgy. Cayabon at may kasong 6-counts of rape.

Tinutugis naman ang isa pa na si Homer Oliva Aganan, 26-anyos, ng Brgy. Maingaran, Masbate City at may kasong robbery with homicide, rape at illegal posession of firearm.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon nang makakuha ng impormasyon ang mga tauhan ng Masbate Provincial Jail sa kinaroroonan ng mga takas na preso kaya agad nilang sinalakay ang lugar na pinagtataguan ng mga suspek. Gayunman, sa halip na sumuko, pinutukan ng mga suspek ang mga pulis sanhi ng shootout at mapuruhan sina Basulgan, Fuentes at Espayos habang nakatakas muli si Aganan.

Show comments