MANILA, Philippines — Walang bisa sa simula't sapul ang inilabas na "cease and desist order" laban sa operasyon ng ABS-CBN dulot ng pagkakapaso ng prangkisa, ayon sa dating kalihim ng Department ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
"[T]he CDO is illegal and void because it was issued without ABS-CBN being heard on the legal issue thereon related to its Congressional Franchise IN VIOLATION OF THAT COMPANY’S CONSTITUTIONAL RIGHT TO PROCEDURAL DUE PROCESS OF LAW," sabi ni Rodolfo Salalima, dating DICT hepe ng DICT, sa isang Facebook post noong Linggo.
Ang NTC ay isang komisyon ng gobyerno na umiiral sa ilalim mismo ng DICT.
'Yan ang paliwanag ni Salalima matapos diumano sabihin ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na inilabas ang CDO dahil sa isang "legal issue" na inihain patungkol sa prangkisa ng ABS-CBN. Kwinestyon din niya kung may reklamong inihain sa NTC batay sa expiration ng prangkisa.
Ika-4 ng Mayo napaso ang prangkisa ng ABS-CBN, isang araw bago inilabas ang cease ang desist order na nagpa-shutdown sa Channel 2.
"If the Petition was dated and filed on May 5th with the NTC, then the CDO also dated May 5, 2020 was clearly issued with precipitate haste and thus void given the interval between the FILING of the Petition and the ISSUANCE of the CDO — both May 5, 2020," dagdag pa niya, habang idinidiin na minadali ito.
Kahit pa raw inihain ang petisyon bago ang ika-5 ng Mayo, ituturing daw na "premature in law" ang petisyon, kung kaya't wala raw dapat "cause of action" hinggil dito.
Kwinestyon din ni Salalima kung may ipinakita bang kopya ng petisyon o show cause order sa ABS-CBN, dahil kung wala, napagkaitan daw ang kumpanya ng karapatan sa batas na mapakinggan ang panig.
"Obviously, the answers to all the above searching questions are all NO," dagdag ng dating kalihim, dahil sa nagkagulatan na lang daw kaugnay ng CDO noong ika-5 ng Mayo.
Dahil wala raw procedural due process dulot ng "supersonic" na bilis ng NTC, nilabag diumano ng NTC ang Section 4 (Part III, Rule 10) ng sariling 2006 Rules of Practice and Procedure.
Tumutukoy 'yan sa paglalabas ng show cause order at pagdinig bago ng paglalabas ng anumang cease and desist order.
Provisional authority at franchise bills
Matatandaang binantaan ni Solicitor General Jose Calida ng kasong graft ang NTC kung maglalabas ng "provisional authority" sa ABS-CBN na makapag-operate kahit na paso na ang prangkisa, bagay na magpapahintulot sana sa media network na tumakbo habang tinatalakay ang 12 legislative franchise bills ng network.
Una nang sinabi ng Free Legal Assistance Group (FLAG) at ilang mambabatas na natanggal sa ere ang ABS-CBN noong nakaraang Martes dahil hindi inasikaso ng pamunuan ng Kamara ang mga tinutukoy na panukalang batas.
Sa kabila niyan, sinisi ni House Speaker Alan Peter Cayetano si Calida at ang NTC sa pagsasara ng ABS-CBN.
"Despite a resolution from the Senate, and several verbal and written assurances given to Congress - the NTC appears to have succumbed to pressure from the Solicitor General, and issued a cease and desist order to ABS-CBN," ani Cayetano.
'ABS-CBN pwede pa rin umere'
Dahil sa mga patong-patong na isyung 'yan naninindigan si Salalima na dapat hayaang makapagpatuloy sa himpapawid ang Kapamilya Network.
"THE ANSWER: Yes, as a matter of legal right and in the interest of justice and due process… all of which are at the heart of our Constitution which has primacy over the statutory laws of the land," sabi niya matapos talakayin ang hindi pa pagkilos ng Kamara.
"For Congressional non-action, public service and freedom of expression were thus sacrificed via a void legal technicality — the void ab initio Cease and Desist Order of the NTC dated May 5 2020. Non-action is the worst form of delay."
Sinabi na rin noon ni Justice Secretary Menardo Guevarra na pwedeng tumakbo pa rin ang ABS-CBN kahit wala pang prangkisa habang pending sa Kamara ang mga panukala sa franchise renewal.
"The DOJ stands by its position that there is sufficient equitable basis to allow broadcast entities to continue operating while the bills for the renewal of their franchise remain pending with Congress," wika ni Guevarra.
Sa kasaysayan, ilang broadcast at telecommunications companies na rin ang pinayagang mag-operate kahit na nag-expire na ang kanilang prangkisa, bagay na iginigiit din ngayon ng 13 Senador sa inihaing resolusyon noong nakaraang linggo.