Duterte mananatili sa Palasyo ngayong Holy Week

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kinansela ng Pangulo ang nakatakda sanang pag-uwi sa Davao City para sa selebrasyon ng kaarawan ng kanyang anak na si Kitty.
Image courtesy of Duterte’s former special assistant Christopher Go, who accompanied them on the trip.

MANILA, Philippines  — Mananatili sa ‘Bahay Pagbabago’ sa Malacañang si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Semana Santa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kinansela ng Pangulo ang nakatakda sanang pag-uwi sa Davao City para sa selebrasyon ng kaarawan ng kanyang anak na si Kitty.

Ayon kay Sec. Panelo, magtutuloy-tuloy ang gagawing pag-monitor ni Pa­ngulong Duterte sa mga pinakahuling impormasyon sa COVID-19 dito sa bansa.

Ang tanging mensahe lamang umano ni Pangulong Duterte ngayong Holy Week ay sama-samang ipanalangin ang buong bansa na gabayan at bigyan ng karunungan na masugpo ang COVID-19.

Tulad umano ng palaging sinasabi ng Pangulo, manatili sa bahay ang lahat ng mga Pilipino para maiwasang magkahawaan, bilang pagprotekta na rin sa isa’t isa.

Show comments