P1 bilyong gift checks naipamigay na ng simbahan

Para sa mahihirap na pamilya

MANILA, Philippines — Aabot na sa kabuuang P1 bilyon ang halaga ng mga gift checks ang naipamigay na sa mga mahihirap na pamilya ng Simbahang Katoliko sa mga nasasakupan ng sampung Diocese at Archdiocese sa Mega Manila sa pamamagitan ng Caritas Manila.

Nabatid kay Caritas Manila Executive Director Rev. Father Anton CT Pascual na umabot na sa 651,799 mahihirap na pamilya ang kanilang nabigyan ng mga gift checks sa ilalim ng Oplan Damayan. Bukod dito, nakapagbigay rin sila ng Ligtas Covid kits at Manna food packs.

Pinasalamatan ng Caritas Manila ang mga negosyanteng katuwang ng Simbahan sa proyekto dahil sa kanilang mga donasyon para sa mahihirap na pamilya.

 

Show comments