Duterte pinapa-COVID test uli

Rodrigo Dutert . Ayon kay Sotto, mas mabuting magpa-COVID test ulit ang Pangulo para lang masiguro na ang kalusugan nito ay tulad ng dati.
Sen. Bong Go Photo

MANILA, Philippines  — Matapos na magpositibo si Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa COVID-19, iminungkahi ni Senate President Vicente Sotto III na magpa-test ulit si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Sotto, mas mabuting magpa-COVID test ulit ang Pangulo para lang masiguro na ang kalusugan nito ay tulad ng dati.

Sinabi naman ni Senador Christopher “Bong” Go na, bagamat marami ang nagsasabi sa kanila na dapat magpa-test ulit ang Pangulo sa COVID, tanging ang doktor lamang ni Duterte ang makakapagpasya nito.

Tniyak naman ni Go na lagi silang nag-iingat ng Pangulo sa gitna ng banta ng COVID pandemic.

Kinupirma rin ng Senador na sa ngayon ay cell phone lang ang komunikasyon nila ng Pangulo dahil pareho silang isinailalim sa self quarantine matapos na magpositibo si Año sa nasabing virus.

Show comments