Twitter ni Locsin 'locked' nang sabihing dapat barilin ang mga aktibista

Kuha ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. habang nakikipag-away sa isang aktibista.
The STAR/Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Hindi muna magagamit ng kalihim ng Department of Foreign Affairs ang ilang features ng kanyang Twitter account matapos magpaskil ng kanyang pagnanais na mabaril ang militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan.

Lunes

ng

umaga,

ipinost

ni BAYAN secretary general Renato Reyes Jr.

ang

isang notification

mula Twitter support

matapos

ireklamo

ang

inilathalata

ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

"Na-lock

ang Twitter account

ni

Teddyboy Locsin,

sekretarya

ng DFA,

dahil

sa bastos at

mapagbantang tweet

na nag-

aakusa

sa BAYAN," ani Reyes

sa

Inggles.

Kilala si Locsin sa kanyang mga maanghang na pakawala sa Twitter, kung saan aktibo siyang user.

Pasado alas-sais y media

nang

gabi,

Linggo, pa

ang

pinakahuling update

ng

kalihim

sa

kanyang Twitter account.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang mag-react si Locsin sa pagkwestyon ng BAYAN sa pagpapatuloy ng Balikatan exercises kahit na pinutol na ng Pilipinas ang Visiting Forces Agreement.

Sa nasabing reaction tweet, inilabas ng DFA secretary ang kanyang saloobin, kung sinabi niya ang sumusunod: "T*ngina, mga komunista ito! Hindi sila dapat pinakikinggan. Binabaril ang mga ito."

Burado na ang nasabing tweet dahil sa paglabag sa alituntunin ng microblogging site, na kanyang inilabas noong ika-5 ng Marso.

Hindi

porke't

kasapi

ka

ng BAYAN,

o

anumang

maka-

Kaliwang

grupo ay

miyembro ka na

ng Communist Party of the Philippines.

Hindi

rin

iligal

ang membership

sa CPP

simula

nang i-repeal

ang Republic Act 1700,

o Anti-Subversion Law,

taong 1992.

'Locked account'

ano

ang

epekto?

Pero ano nga ba ang epekto ng mga aksyon ng top diplomat ng bansa?

Narito ang sinasabi ng Twitter pagdating sa paglabag sa kanilang mga panuntunan:

"If

a Tweet was found to be in violation of our rules, and has yet to

be deleted by the person who Tweeted it, we will hide it behind a notice. The account will remain locked until

the Tweet is removed."

Maaari

pa ring masilip ng DFA secretary ang kanyang feed ngunit limitado na lang ang kanyang maaaring magawa.

Ilan sa mga pwede niya pang gawin ay magpadala ng mga mensahe sa kanyang mga followers, ngunit hindi siya makapagti-tweet, retweet o like ng iba pang paskil sa nasabing social media site.

Pwede ring

dumulo

sa permanent suspension

ang Twitter user na

paulit-

ulit na

lalabag

sa

kanilang rules. — James

Relativo at may

mga

ulat

mula

kay Patricia Lourdes Viray

Show comments