Manila, Philippines — Batikos ang inabot ng Philippine National Police (PNP) matapos maglabas ng kautusang nagtitipon sa pangalan ng mga estudyanteng Muslim bilang bahagi ng laban sa terorismo.
Ayon sa memorandum na pinetsahang ika-31 ng Enero, kasama sa inililistang estudyante ang mga nagpra-practice ng Islam mula sa high school, mga kolehiyo't unibersidad sa National Capital Region.
Sa
dokumento na
inilabas
ng Alliance of Concerned Teachers,
sinasabing
gagamitin
ng Salaam Police Center
ang
mga
pangalan
bilang
sanggunian
sa
aktibidades na may
kinalaman
sa "peacebuilding" at "counter violent terrorism."
Ayon sa Salinlahi Alliance for Children’s Concerns, naalarma sila sa ginagawa ng kapulisan lalo na't inilalapit lang daw nito ang mga batang Muslim sa kapahamakan.
Imbis na kapayapaan, sinabi ng grupo na diskriminasyon, Islamophobia (disgusto sa mga Muslim) at malubhang pagbalewala sa seguridad nila ang itinataguyod ng memorandum.
"Ang kinatatakutan namin ay mauwi ang profiling sa... paniniktik, pagdami ng mga pulis sa eskwelahan, panggigipit at pananakot ng mga estudyanteng Muslim," paliwanag ng children's
right's organization.
"Maaari itong lumikha ng takot sa kabataang Muslim na mapagbintangang sumasali o nakikisimpatya sa violent extremists."
Panawagan tuloy nila, respetuhin ng mga alagad ng batas ang mga nabanggit at tuluyan nang bawiin ang memorandum.
Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang manawagan si Sen. Nancy Binay na itigil na ang lahat ng uri ng "profiling," o pagpuntirya sa espisipikong grupo ng tao batay sa itsura, paniniwalang pulitikal, relihiyon, etnisidad at kasarian. — Philstar.com intern Krizzia Mae Furio