MANILA, Philippines — Nagdeklara na ng "public health emergency of international concern" (PHEIC) ang World Health Organization nitong Huwebes kaugnay ng pagkalat ng nakamamatay na novel coronavirus (2019-nCoV) na nagmula sa Tsina.
Umabot na sa 213 ang namamatay sa nCoV habang 9,692 na ang naiuulat na kumpirmadong kaso sa Tsina, kasabay ng pagkalat nito sa mga bansa gaya ng Pilipinas.
The total number of confirmed cases of the 2019 novel #coronavirus reported from mainland China ???? to date is 9,692.
This includes 1,527 severe cases and 213 people who have died.#nCoV #nCoV2019 #2019nCoV pic.twitter.com/eHjg7i926V— World Health Organization Western Pacific (@WHOWPRO) January 31, 2020
"Napagkaisahan ng Komite na pasok na ang outbreak sa criteria ng Public Health Emergency of International Concern at nagmungkahi ng sumusunod na advice na ilalabas bilang Temporary Recommendations," sabi ng International Health Regulations (2005) Emergency Committee sa Inggles.
Bago ang pinakabagong deklarasyon, ibinaba rin noon ang PHEIC dahil sa :
- 2009 H1N1 (or swine flu) pandemic
- 2014 polio declaration
- Ebola outbreak sa Western Africa noong 2014
- 2015–16 Zika virus epidemic
- Kivu Ebola epidemic
Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng napakahabang parirala na 'yan at ano ang implikasyon nito para sa atin?
Sa IHR 2005, sinasabing idinedeklara ng PHEIC upang magawa ang sumusunod:
i. to constitute a public health risk to other States through the international spread of disease; and
ii. to potentially require a coordinated international response”. This definition implies a situation that: is serious, unusual or unexpected; carries implications for public health beyond the affected State’s national border; and may require immediate international action.
Reponsibilidad ng director-general ng WHO ang pagdedesisyon kung pasok na ang sitwasyon sa mga kategoryang 'yan, at nangangailangan ng pagpupulong ng mga eksperto mula sa IHR Emergency Committee para makapagrekomenda temporary recommendations.
Ilan sa mga pansamantalang rekomendasyon ay ang health measures na ipatutupad ng "state party" o bansa na nakararanas ng PHEIC, o ng iba pang state parties, para:
- mapigilan o mabawasan ang pagkalat ng sakit sa mundo
- mapigilan ang hindi kinakailangang pangingialam sa international traffic
Mga rekomendasyon sa WHO at mundo
Kasunod ng pagdedeklara ng PHEIC dahil sa nCoV, naglabas ang komite ng iba't ibang mungkahi na dapat gawin ng lahat ng bansa, People's Republic of China at WHO.
"Inaasahan na pwedeng pumasok sa anumang bansa ang mga karagdagang kaso [ng nCoV]," patuloy ng komite.
Dahil dito, sinabi ng IHR (2005) na dapat maghanda ang buong mundo sa:
- containment
- active surveillance
- early detection
- isolation at case management
- contact tracing
- pag-iwas sa pagkalat ng 2019-nCoV infection
- pagbabahagi ng lahat ng datos sa WHO
- pag-uulat sa World Organization for Animal Health oras na makita ang 2019-nCoV sa hayop
- atbp.
Sa ngayon, hindi pa inirerekomenda sa mga bansang labas sa Tsina na maghigpit sa paglalakbay at pakikipagkalakal.
"Pinag-iingat ang mga bansa laban sa mga aksyong nagtataguyod ng diskriminasyon," sabi pa ng IHR.
Narito naman ang ilang rekomendasyon sa WHO:
- aralin ang tunay na pinanggalingan ng sakit para malaman kung meron o walang "hidden transmission" at maipalaganap kung paano ito ima-manage
- mas matinding pagsilip sa mga rehiyon ng Tsina labas sa Hubei, paglulunsad ng "pathogen genomic sequencing"
- paggamit sa mga technical experts para malaman kung paano ito makokontrol sa pandaigdigang antas
- magbigay ng mas matinding suporta sa mga bulnerableng bansa at rehiyon
- siguruhing mabilis ang paglikha at pagpapakalat ng mga bakuna, diagnostics, gamot at iba pang "therapeutics" para sa mga mahihirap at middle-income countries
- hindi pa inirerekomenda ang anumang pagbabawal sa kalakalan at paglalakbay batay sa kasalukuyang impormasyon
Mga dapat gawin ng Tsina
Samantala, naglatag naman ng hiwalay na panuntunan sa Tsina, na bansang pinagmulan ng nCoV. Sinasabing nagsimula ito sa Wuhan, na kabisera ng probinsya ng Hubei.
Aniya, dapat ipagpatuloy ng Tsina ang:
- komprehensibong risk communication strategy para palagiang i-inform ang populasyon sa evolution ng outbreak, maliban sa prevention at protection measures na pwede nilang gawin
- pagsisiguro ng public health measures para i-contain ang outbreak
- pagpapatindi ng health system at pagprotekta sa mga manggagawang pangkalusugan
- pagpapalakas sa surveillance at paghahanap ng mga kaso sa buong Tsina
- pakikipagtulungan sa WHO para magsagawa ng imbestigasyon nang maintindihan kung paan naipapasa, nakokontrol at nag-eevolve ang outbreak
- pagbahagi ng mahahalagang datos sa mga human cases
- pagsasagawa ng "exit screening" sa mga paliparan at pantalan para agad na makilala ang mga naglalakbay na may sintomas para malunasan, habang binabawasan ang pakikialam sa international traffic