Kaso ng pagpaslang sa ex-solon bubusisiin ng CHR

MANILA, Philippines — Iimbestigahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang kaso ng pagpaslang kay dating  Batangas  Congressman Edgar Mendoza na natagpuang patay sa loob ng kanyang  sasakyan na sinunog sa Tiaong , Quezon.

Ayon kay CHR spokesperson Jacqueline de Guia, ang kasong ito na maituturing na isang karumal-dumal na krimen ay naiendorso na sa CHR Region IV A para magsagawa ng imbestigasyon sa kaso.

Ang labi ni Mendoza ay natagpuan kasama ng dalawa pang bangkay na sinasabing labi ng driver nitong si Ruel Ruiz at escort na si  Nicanor Mendoza nang masunog ang kanilang sinasakyan sa naturang lugar.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang kasong ito.

Show comments