Firecracker victims umakyat na sa 288

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health na patuloy na nadadagdagan ang bilang ng fireacrackers-related injuries.

Batay sa update ng DOH, umabot na sa 288 ang bilang ng kaso ng firecrackers related injuries kung saan 124 ang bagong mga pasyente ng paputok mula sa ibat-ibang ospital. Ang nasabing datos ay mula alas-6:00 ng umaga ng Disyembre 2019 hanggang alas-5:59  ng umaga ng Enero 2, 2020. Ayon sa DOH, mas mababa ang kaso ngayon ng naputukan na nasa 8 porsyento na may kabuuang 313 kumpara sa kaparehong panahon sa nakaraang taon na nasa 57 porsyento.

Show comments