Palasyo hinamon si Joma sa one-on-one talk

MANILA, Philippines — Hinimok kahapon ng Palasyo si CPP founding chairman Jose Maria Sison na umuwi ng bansa upang ipakita ang sinseridad nitong ituloy ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at communist group.

Sinabi  ni Presidential Spokesman Salvador Pane­lo sa media briefing sa Malacañang kahapon, kung sinsero si Joma Sison na muling makipag-usap sa gobyerno ay dapat umuwi na siya ng bansa.

“If he really wants to show sincerity, then come home. There is nothing to be afraid of,” paliwanag ni Panelo.

Nais din anya ng Pangulo na magkaroon ito ng one-on-one talk sa kanyang dating professor sa kolehiyo.

Siniguro rin ni Panelo na hindi aarestuhin si Sison kapag umuwi ito ng bansa.

Magugunita na muling inatasan ni Pangulong Duterte si Labor Sec. Silvestre Bello na magtungo kay Joma upang ipaabot ang alok ng gobyerno na ituloy ang peace talks.

Show comments