MANILA, Philippines — Nahatulang nagkasala ang ilang akusado sa malagim Maguindanao massacre sa pagbasa ng hatol ng korte ngayong araw, Huwebes.
Kasama sa mga nahatulang nagkasala ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221 ang mga principal accused na sina Datu Andal "Unsay" Ampatuan Jr., Datu Zaldy "Puti" Ampatuan, Datu Anwar Ampatuan Sr. at iba pa sa 57 counts ng murder noong 2009.
QC RTC Branch 221 hands down guilty verdict to members of the powerful Ampatuan clan, including principal accused Zaldy Ampatuan and Andal Ampatuan Jr. for murder. They are sentenced to reclusion perpetua without parole. @PhilstarNews #MaguindanaoMassacreVerdict
— Gaea Cabico (@gaeacabico) December 19, 2019
Narito ang kumpletong listahan ng mga principal accused na nahatulang nagkasala:
- Datu Andal Unsay Ampatuan Jr.
- Datu Anwar Sajid Ulo Ampatuan
- Datu Anwar Ipi Ampatuan Jr.
- Saudi Mokamad (PINsp)
- Jonathan Engid (PO1)
- Abedin Alamada alias Kumander Bedi
- Talembo "Tammy" Masukat
- Theng Sali alias Abdullah Hamad Abdulkahar
- Manny Ampatuan
- Nasser Esmael alias Nasrudin Esmael
- Datu Zaldy Ampatuan
- Sukarno Dicay (PCI)
- Abusama Mundas Maguid (PSupt)
- Bahnarin Kamaong (PSupt)
- Datu Anwar Ampatuan Sr.
- Tato Tampogao
- Mohades Ampatuan
- Mohamad Datumanong
- Misuari Ampatuan
- Taya Bangkulat
- Salik Bangkulat
- Thong Guiamano
- Sonny Pindi
- Armando Ambalgan
- Kudza Masukat Uguia
- Edres Kasan
- Zacaria Akil
- Samaon Andatuan
"They are hereby convicted and sentenced to suffer the penalty of imprisonment of reclusión perpetua without paroles pursuant to RA 9346," ayon sa desisyon.
Sa ilalim ng Republic Act 9346, bawal na magpataw ng parusang kamatayan. Reclusion perpetua, o hanggang 40 taong pagkakakulong, ang pinakamabigat na parusa sa justice system ng Pilipinas.
Sa kabila nito, apat na miyembro ng pamilya Ampatuan ang napawalang-sala sa kasong murder, gaya nina Datu Akmad "Tato" Ampatuan Sr., Datu Sajid Islam Ampatuan, Jonathan Ampatuan at Datu Jimmy Ampatuan.
Makukulong din bilang mga "accessory" sa krimen ang mga sumusunod:
- Michael Joy Macaraeg (PInsp)
- Felix Enate (PO3)
- Abibudin Abdulgani (PO3)
- Rasid Anton (PO3)
- Hamad Nana (PO2)
- Saudi Pasutan (PO2)
- Saudiar Ulah (PO2)
- Esprielito Lejarso (PO1)
- Narkouk Mascud (PO1)
- Pia Kamidon (PO1)
- Esmael Guialal (PO1)
- Arnulfo Soriano (PO1)
- Herich Amaba (PO1)
- Abdulgapor Abad (PSupt)
Makakalaboso ang mga nabanggit ng anim na taon (prisión correccional) bilang minimum na parusa hanggang 10 taon at walong buwan (prisión mayor) bilang maximum na parusa.
Ang consolidated partial decision ay umabot ng hanggang 761 pahina.
Sa haba nito, nagkaisa ang mga nasa promulgation na ang dispositive portion na lang ang basahin sa hatol.
(1/3) READ the dispositive portion of the RTC decision in PEOPLE OF THE PHILIPPINES VS. DATU ANDAL “UNSAY” AMPATUAN, JR., ET AL. pic.twitter.com/8kL2fptvHz
— Supreme Court Public Information Office (PIO) (@SCPh_PIO) December 19, 2019
(2/3) READ the dispositive portion of the RTC decision in PEOPLE OF THE PHILIPPINES VS. DATU ANDAL “UNSAY” AMPATUAN, JR., ET AL. pic.twitter.com/EMylu2rLAA
— Supreme Court Public Information Office (PIO) (@SCPh_PIO) December 19, 2019
(3/3) READ the dispositive portion of the RTC decision in PEOPLE OF THE PHILIPPINES VS. DATU ANDAL “UNSAY” AMPATUAN, JR., ET AL. pic.twitter.com/WRJDaVqJ7b
— Supreme Court Public Information Office (PIO) (@SCPh_PIO) December 19, 2019
Kaugnay ang kaso ng nangyaring pagpaslang sa 58 katao, kabilang ang 32 kawani ng media, noong ika-23 ng Nobyembre sa Ampatuan, Maguindanao.
Napawalang-sala ang mga akusado sa pagpatay sa photo journalist na si Reynaldo "Bebot" Momay dahil hindi na nahanap ang katawan nito.
Maguindanao massacre
Papunta na sana ang mga biktima sa filing ng certificate of candidacy ni Esmael Mangudadatu, noo'y bise alkalde ng Buluan, bago pagpagpapatayin.
Hinahamon noon ni Mangudadatu si Datu Unsay mayor Andal Ampatuan Jr. sa pagkagobernador ng Maguindanao sa 2010 national elections.
Maliban sa mga media workers, patay din sa insidente ang asawa ni Mangudadatu, dalawa niyang kapatid, mga abogado, aides at motoristang saksi o napagkamalang bahagi ng convoy.
Dati nang tinawag ng Committee to Protect Journalists ang Maguindanao massacre bilang "single deadliest event for journalists" sa kasaysayan. — may mga ulat mula kay Gaea Katreena Cabico