House probe sa ex-Banco Filipino officials hingi

Matatandaang nag­sampa sa Department of Justice (DOJ) Task Force on Financial Fraud ang Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC) ng kasong kriminal laban kay Aguirre at ibang opisyal ng Banco Filipino dahil sa umano’y maano­malyang pagbabayad ng hindi bababa sa P700 milyones sa mga “legal firms” nang walang kontrata o suppor­ting documents noong panahon na nalulugi ang nasabing bangko.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isinampa ni Kaba­yan Rep. Ron Salo ang House Resolution Nos. 609 at 610 na humihiling sa kaukulang komite ng House of Representatives na magsagawa ng imbestigasyon in aid of legislation sa umano’y fraudulent disbursement ng mga dating opisyal ng Banco Filipino.

Nais ng ilang kongresista na makasuhan sina Bobby Aguirre at iba pang mga opisyal ng naturang banko.

Matatandaang nag­sampa sa Department of Justice (DOJ) Task Force on Financial Fraud ang Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC) ng kasong kriminal laban kay Aguirre at ibang opisyal ng Banco Filipino dahil sa umano’y maano­malyang pagbabayad ng hindi bababa sa P700 milyones sa mga “legal firms” nang walang kontrata o suppor­ting documents noong panahon na nalulugi ang nasabing bangko.

Iginiit naman ni Rep. Jorge Bustos ng Patrol Partylist na nasa 62 branches ng nasabing banko ang na-take over ng PDIC at dito nadiskubre na nagbayad din ang Banco Filipino ng P255.9 milyon sa isa pang law firm kung saan partner ang isa sa mga direktor ng nasabing bangko.

Nabatid na dati na rin nakasuhan ng “syndicated estafa” ng PDIC si Aguirre na da­ting vice chair at iba pa dahil sa paggastos umano ng P669.6 milyong pera ng mga depositors para sa biyaheng abroad.

Inaasahan naman ng iba pang mambabatas na mabibigyan kataru­ngan ang mga depositors at iba pang naapektuhang mamamayan sa ginawang gusot ni Aguirre.

Show comments