MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng Palasyo ang aniya’y kahanga-hangang accomplishment ng Duterte administration na may kinalaman sa patuloy na pagbaba ng mga naitatalang Pilipinong walang trabaho o unemployed.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, ito na ang pinakamababang unemployment rate na naitatala simula pa nuong 2005.
Repleksiyon at bunga aniya ito ng pagsisikap ng kasalukuyang gobyerno sa ilalim ng Dutertenomics na pababain ang bilang ng mga tambay o walang trabaho sa bansa.
Dagdag ni Andanar na magpapatuloy pa rin ang socio-economic policies at mga repormang ipatutupad ng pamahalaan sa harap ng target na mapataas pa ang employment rate sa hanay ng mga Pilipino.
Nasa 4.5 percent ang naitala nuong nakaraang buwan na unemployment rate ng bansa na mas mababa sa 5.1% na nai-record nuong Oktubre 2018.