MANILA, Philippines — Kusang inalis ng Mekeni Food Corporation sa mga pamilihan ang kanilang mga produktong pork products.
Ayon sa Department of Agriculture, ginawa ng Mekeni ang pagpapatanggal sa mga pork products nang magpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang skinless longganisa at picnic hotdog ng kumpanya nang isalang ang mga processed meat products sa confirmatory lab test at lumitaw na kontaminado ito ng ASF.
Una nang sinabi ni Department of Health na walang epekto sa tao ang pagkain ng pork products na may ASF pero kailangang huwag gagamitin ang mga karne ng mga maysakit at namatay na baboy sa food processing dahil ipinagbabawal ito sa ilalim ng Food Safety Act of 2013.
Nangako naman ang Mekeni na tutuntunin nito ang pinagmulan ng virus na natuklasan sa mga sample ng skinless longganisa at hotdog nito.