Digong hindi ‘inisnab’ sa enthronement – Palasyo

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na isang malaking kasinungalingan ang paratang ng isang Ding Velasco sa post nito sa social media.

MANILA,Philippines — Nilinaw ng Malacañang kahapon na walang katotohanan na kaya umuwi ng maaga si Pangulong Duterte mula Japan dahil binalewala ito sa enthronement ni Emperor Naruhito.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na isang malaking kasinungalingan ang paratang ng isang Ding Velasco sa post nito sa social media.

Ayon kay Panelo, kaya umuwi agad ang Pangulo ay dahil sa matinding sakit nito sa gulugod.

Maging ang Department of Foreign Affairs ay naglabas na rin ng pahayag hinggil dito.

Sumailalim sa MRI ang Pangulo at matapos suriin ng mga doktor ay nalamang muscle spasms lamang ang dahilan ng pananakit ng spinal ni Pangulong Duterte kaya binigyan lamang ng pain reliever at pinayuhang magpahinga ng 2-3 araw.

Show comments