MANILA,Philippines — Hinatulan ng mababang hukuman ng guilty ang isang kilalang rice trader sa Bulacan sa kasong online libel na inihain laban sa kanya ng isang opisyal ng Department of Agriculture dahil sa mga umano’y malisyosong post sa kanyang Facebook account noong nakaraang taon.
Sa 15-pahinang desisyon, hinatulan ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 90 Hon. Judge Ma. Luisa Gonzales-Betic si Jomerito “Jojo” Soliman na nagkasala sa kasong online libel at inatasang magbayad ng multang P50,000 o mabilanggo.
Nag-ugat ang kaso sa serye ng mga FB post ni Soliman, na nagsimula noong Enero 23, 2018, at nag-aakusa laban kay DA Assistant Secretary Waldo Carpio ng umano’y pagpabor sa ilang import permit applicants habang inaantala naman ang pag-apruba o pag-release ng para sa iba.
Inaasahan namang iaapela ni Soliman ang desisyon ng hukuman sa lalong madaling panahon.