‘Johnson Lee’ pinaghahanap na ng PNP

MANILA, Philippines – Pinaghahanap na ng Philippine National Police (PNP) ang suspected Chinese drug lord na si Johnson Lee na sinasabing pinatakas ng “ninja cops” sa drug raid sa Pampanga noong 2013 kapalit ng P50-milyon.

Sinabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na pinakilos na ang Drug Enforcement Group, Central Luzon police at intelligence units sa pagtunton sa kinaroroonan ni Lee.

“Magtutulungan lahat ng mga ito upang matukoy natin kung nasaan ba ang kinaroroonan ni Johnson Lee,” sabi ni Banac.

Ayon sa report, pinapuslit si Lee ng mga raiding policemen kapalit ng P50-milyon at ibang Chinese national ang iprinisinta bilang suspek.

Nakikipag-ugnayan na ang PNP sa Bureau of Immigration para malaman kung nasa bansa pa si Lee.

Show comments