Matumal na bentahan ng Christmas ham inaasahan

Sinabi ng Philippine Association of Meat Processors Inc. na posibleng umabot sa 20 por­syento ang ibababa ng kanilang produksyon dahil sa mababang demand ng mga mamimili.
File

MANILA, Philippines — Inaasahan na ng mga negosyante ng hamonado na magiging matumal ang bentahan ng Christmas ham ngayong darating na Kapaskuhan dahil sa takot na dulot ng African Swine Fever (ASF).

Sinabi ng Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) na posibleng umabot sa 20 por­syento ang ibababa ng kanilang produksyon dahil sa mababang demand ng mga mamimili.

Sa tantiya ng PAMPI, maaaring aabot sa P1 bilyon ang mawawala sa kanilang kita ngayong taon dahil sa naturang sakit sa baboy.

Inaasahan din na maaapektuhan nito ang pagkuha nila ng mga “seasonal” na empleyado dahil sa kakulangan ng pampasuweldo. Ang naturang mga empleyado ay kinukuha ng mga kumpanya tuwing panahon ng Kapaskuhan dahil sa dagdag na demand sa merkado ng mga hamonado.

Sa kabila nito, sinabi ni PAMPI vice pres. Jerome Ong na hindi magtataas sa presyo ng kanilang ha­monado ang mga kumpanyang kaanib ng kanilang organisasyon.

Show comments