Joma, misis, 36 pa pinapaaresto ng korte

Batay sa warrant of arrest na inisyu ni Manila RTC branch 32 Presiding Judge Thelma Bunyi-Medina, ang mga pinaarestong opisyal at miyembro ng CPP-NPA ay pawang sangkot sa Inopacan massacre sa Leyte noong dekada 80.
File

MANILA, Philippines — Pinaaaresto ng Manila Regional Trial Court si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison, misis nitong si Juliet at 36 iba pang opisyal at miyembro ng komunis­tang grupo.

Batay sa warrant of arrest na inisyu ni Manila RTC branch 32 Presiding Judge Thelma Bunyi-Medina, ang mga pinaarestong opisyal at miyembro ng CPP-NPA ay pawang sangkot sa Inopacan massacre sa Leyte noong dekada 80. 

Nahaharap sina Sison sa 15 counts ng murder. Walang inire­rekomendang piyansa ang Korte para sa mga akusado.

Ipinag-utos ang pagdakip kina Sison matapos makitaan ng hukuman ng probable cause na ginawa ng mga akusado ang mga paratang laban sa kanila.

Ang kaso ay isinampa noong 2006 matapos madiskubre ang mga buto ng 67 biktima ng masaker sa isang shallow grave sa Su­bang Daku, Inopacan, Leyte.

Sa nasabing mass purging ng grupo, nasa 300 biktima ang pinatay ng NPA dahil sa hinala na may koneksyon ang mga ito sa militar.

Kabilang pa sa pinaaresto ng Korte sina dating CPP chair Rodolfo Salas alias Ka Bilog; NDFP consultant Leo Velasco; Jose Luneta; Geronimo Pasetes; NDFP peace consultant Prudencio Calubid; NDFP senior adviser Luis Jalandoni; NDFP consultant Sarmiento Eduardo; Francisco Pascual, Jr.; Mil Lominion; Fortunato Felicilda; Benjamin Beringel; Quirino Quinawayan; Fernando Rachel; Pecario Sonana; Jesus Solayao; Lino Salazar; Alfredo Taladro; Tito Gabar; Muco Lubong; Felix Dumali; Ciriaca Malimot; Luzviminda Orillo; Anselmo Balduhesa; Alfredo Mabingay; Bertino Oroza; Bonifacio Padoc; Rodrigo Paplona; Prescillono Beringel; Anastacio Dorias; Nick Ruiz; Sammy Labarda; Charlie Fortaliza; Luis Villena; Rolando Caballera; Donata Lumbrento; at Luz Abejo.

Show comments