Pulong, 12 pa, lumipat sa NUP

Ayon kay House Deputy Speaker Roberto Puno, nauna nang lumipat sa kanilang partido si Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte.
facebook

MANILA, Philippines — May 12 miyembro ng ruling party na PDP-Laban sa Kamara ang lumipat na sa National Unity Party (NUP).

Ayon kay  House Deputy Speaker Roberto Puno, nauna nang lumipat sa kanilang partido si Davao City Rep.  Paolo “Pulong” Duterte.

Naniniwala si Puno na dahil sa pag-ampon nila kay Rep. Duterte kaya lumipat ang may 12 miyembro ng PDP-Laban kaya umabot na ang bilang nila ngayon sa 50.

Show comments