MANILA, Philippines — Nagpahayag ng kasiyahan si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa pagtaas ng bilang ng mga turistang bumisita sa ating bansa.
Umabot kasi sa mahigit 3.4 milyon tourist arrival ang naitala ng DOT mula Enero hanggang Mayo.
Mas mataas pa ito ng 9.67 percent kumpara noong nakaraang taon sa parehas na panahon.
Isa sa malaking factor na nakita ng kalihim ay ang patuloy na ginagawang paglilinis ng gobyerno sa iba’t ibang kilalang lugar sa bansa.
Sa kabuuang bilang ay nanguna rito ang mga Korean national na mayroong 788,530 mula Enero hanggang Mayo na sinundan ng China na mayroong 733,766.
Pumangatlo naman ang US na mayroong 472,469 arrivals at Japan na mayroong 281,988.