MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Pangulong Duterte na nasa limang miyembro ng Gabinete ang nakatakda nitong sibakin o palitan sa puwesto sa mga susunod na araw.
Kasunod ito ng pagbibitiw ni Agriculture Sec. Manny Piñol na napipintong ilipat ng Pangulo upang mamuno sa Mindanao Development Authority (MinDa).?
“Sa Cabinet members lima. Lima ka positions na gusto kong mabakante.
Pero bakantehin mo ‘yan, wala mang mag-alis, magpatay ako ng apat,” pahayag ng Pangulo matapos ang oath-taking sa kanya ni Senator-elect Bong Go kamakalawa ng gabi sa Malacañang.
Sinabi ni Pangulong Duterte, ang isyu lang naman ay korupsyon kaya umano sila aalisin o papalitan.
“Ang issue lang naman diyan is corruption. Kung hindi ka corrupt, you can just work. So that’s the definition of your work,” giit ng Pangulo.
Nilinaw naman ni Pangulong Duterte na hindi raw korap si Piñol kaya ililipat ito sa MinDa.
Matunog namang papalit bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA) si dating Agriculture Sec. William Dar.