Social media profile hihingin na sa US visa applicants

Sinabi ng State De­partment na ang ba­gong patakaran ay magkakabisa makaraang maaprubahan ang nirebisang visa application forms.
File

MANILA, Philippines — Hihingin na ring reki­sitos sa mga nag-a-aplay ng US visa ang kanilang mga social media user name, mga nauna nilang email address at phone number.

Bahagi ito ng pinag-ibayong pagsasala sa mga dayuhang bisita at immigrant sa United States.

Sinabi ng State De­partment na ang ba­gong patakaran ay magkakabisa makaraang maaprubahan ang nirebisang visa application forms.

Sa nabanggit na patakaran, ang mga visa applicant ay kailangang ilista ang kanilang mga social media account na kanilang ginamit sa nagdaang limang taon.

Ang pagbabagong ito na ipinanukala noong Marso 2018 at inasa­hang makakaapekto sa may 15 milyong nag-aaplay ng U.S. visa taun-taon ay kasunod ng kautusan noong 2017 ni President Donald Trump na humihingi ng heightened vetting para sa visa application.

“Pambansang seguridad ang pangunahin naming prayoridad sa adjudicating visa applications at sumasailalim sa masusing pagsasala ang mga gustong pumasok sa United States,” pahayag pa ng State Department.

Show comments